Dating PNP Chief Oscar Albayalde, nagpasalamat kay Pangulong Duterte sa tiwala at pagkakataong mamuno sa Strong Police Force

Nagpapasalamat si dating PNP Chief Oscar Albayalde kay Pangulong Rodrigo Duterte sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Ayon kay Albayalde, binigyan siya ng pagkakataon ng pangulo na maglingkod kahit hindi siya taga-Davao at hindi siya personal na kilala nito.

Aniya, ibinase ng pangulo ang kanyang appointment sa kanyang performance.


Patunay ito na kinilala ng pangulo ang kanyang magandang serbisyo sa PNP.

Masama naman ang loob ni Albayalde sa mga nang-iwan sa kanya sa ere nang pumutok ang isyu ng ninja cops.

Inaasahan pa naman niya na sila ang tutulong at dedepensa sa kanya.

Payo ni Albayalde sa susunod na PNP Chief, mag-ingat sa pulitika at maraming pagkakataong tinanggihan niya ang pakiusap ng ilang maimpluwensyang tao na mailagay sa pwesto ang kanilang mga ‘bata-bata.’

Iginiit ni Albayalde na kaya niyang harapin ang anumang alegasyon laban sa kanya pero mas pinili niyang magbitiw.

Sa kabila nito, ipinagmalaki ng dating PNP Chief ang kanyang mga nagawa sa loob ng kanyang panunungkulan kabilang ng matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga.

Facebook Comments