Dating Presidential Spokesperson Trixie Cruz-Angeles, sinuspinde ng Korte Suprema

Sinuspinde ng Korte Suprema si dating Presidential Spokesperson Trixie Cruz-Angeles bilang abogado sa loob ng anim na buwan.

Ito ay dahil sa paggamit nito ng hindi wastong lengguwahe sa pagsampa ng pleadings sa korte.

Habang ni-reprimand o nabigyan din ng verbal warning ang co-counsel ni Angeles na si Atty. Ahmed Paglinawan.


Sa notice na ibinaba ng Supreme Court Third Division, nahatulang guilty ang dalawa sa paglabag sa Rule 8.01, Canon 8, ng Code of Professional Responsibility ng mga abogado.

Noong May 10, 2016, nagsumite ng complaint si Atty. Roderick Manzano, na humihiling na ipa-disbar sina Angeles at Paglinawan dahil umano sa paglabag sa CPRA.

Ayon kay Manzano, nilalabag ng dalawa ang naturang batas sa paggamit nito ng mapang-abuso, at hindi kaaya-ayang pananalita sa paghain nila ng plead para sa kliyente nito sa Metropolitan Trial Court sa Quezon City noong 2016.

Matatandang nauna nang nasuspinde ng 3 taon si Angeles.

Hindi naman na nagsumite ng motion for resconsideration si Angeles laban sa mga reklamo sa kaniya.

Samantala, sinabi naman ng Korte Suprema na hindi nagkamali ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng rekomendasyon na masuspinde si Angeles dahil lumampas ito sa pinapayagang “forms of speech” kapag nagsusumite ng pleadings sa korte.

Facebook Comments