Dating PS-DBM OIC Christopher Lao, cited in comtempt ng Blue Ribbon Committee

Cited in comtempt ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao.

Ginawa ito ng komite na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon dahil sa hindi na naman pagharap ni Lao sa pagpapatuloy ng pagdinig ukol sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng PS-DBM ng pandemic supplies.

Sa ika-14 na Senate hearing ay isinulong ni Senator Francis Pangilinan na ma-contempt si Lao na sinegundahan naman ni Senator Risa Hontiveros at inaprubahan ni Senator Gordon.


Ayon kay Gordon, si Lao ay hindi sakop ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa nabanggit na pagdinig ng Senado.

Samantala, nananatili namang bigo ang Senado na matunton at maaresto ang magkapatid na Dargani na parehong opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporations.

Nananatili namang naka-detine sa Senado ang Director ng Pharmally na si Linconn Ong.

Facebook Comments