DATING PULIS ARESTADO DAHIL SA KASONG ESTAFA SA ALAMINOS CITY

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang dating Pulis na kabilang din sa Top 10 Most Wanted Persons sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Ang akusado ay nakilalang si Saturnina Valenzuela, residente ng Brgy. Telbang kung saan ay inaresto ito pasado alas diyes ng umaga sa tahanan nito.
Nahaharap ang akusado sa kasong Estafa na may kalahating milyong piso na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. |ifmnews

Facebook Comments