PPCRV LINGAYEN-DAGUPAN, NANAWAGAN SA MGA BOTANTE NA HUWAG IPAGBILI ANG INTEGRIDAD SA PAGBOTO

Sa Oktubre a-trenta na ang halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan ngayong taon kung saan mahigpit na nagpaalala at nanawagan ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Lingayen-Dagupan sa mga botante.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Janice Hebron, executive secretary ng PPCRV Lingayen-Dagupan, kanyang binigyang-diin ang adbokasiya ng PPCRV at kanilang panawagan na “huwag tatanggap at walang magbibigay” o ang “No to Vote Buying at No to Vote Selling”.
Nilinaw din ni Hebron na ang layunin ng PPCRV ay Clean, Honest, Accurate, Meaningful, and Peaceful elections kung saan dito ipinagtatanggol ang dangal ng boto ng isang botante.
Kanya ring pinag-diinan ang mga kabataan na sana ay huwag masasangkot sa maling gawaing ito tuwing may halalan.

Samantala, nanawagan din ito sa mga nais maging boluntaryo ng PPCRV upang maging Poll Watcher sa mga polling precincts at voting centers.
Maaari lamang magtungo sa mga parokya kung nais aniyang maging boluntaryo sa pagbabantay sa nalalapit na halalan. |ifmnews
Facebook Comments