Dating Pulis sa Tuguegarao City, Patay sa Pamamaril!

601

*TUGUEGARAO CITY*- Dead on the Spot ang isang lalaki na dating kasapi ng PNP matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek bandang 11:30 kaninang umaga sa Washington Street, Centro 4, Tuguegarao City.

Kinilala ang biktima na si Lucas Mangada, 36 anyos at residente ng Bassig St. Ugac Norte, Tuguegarao City habang sugatan naman ang kasama nitong si Kurt Javier na residente rin ng nasabing bayan.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Tuguegarao City, binabaybay umano ni Javier ang daan patungong silangang direksyon kasama ang back rider nitong biktima maging ang tatlong taong gulang na anak ni Mangada na nakaupo sa pinakaharap ng kanilang minamanehong motorsiklo.

Nang makarating sa bahagi ng Washington St. ay bigla umanong sumulpot ang isang lalaking suspek sakay ng kanyang XRM na motorsiklo at bigla umanong pinagbabaril ng maraming beses si Mangada na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Dinala naman sa pagamutan si Javier para sa kaukulang lunas habang maswerte namang hindi nasugatan ang batang anak ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nasabing pamamaril.



Facebook Comments