High Value Drug Target ng PDEA RO2, Natimbog sa Santiago City!

75

*Santiago City, Isabela-* Nasakote na ng mga otoridad ang isang traysikel driver na kabilang sa listahan ng PDEA RO2 matapos matiklo sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad pasado alas onse kaninang umaga sa Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Ron Carlo Cabarse Dela Cruz alyas “Pong”, trenta anyos, isang trycle driver at residente ng nasabing barangay.


Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Pong matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang PDEA agent sa halagang anim na libong piso.

Nakapiit na sa Santiago City Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments