CAUAYAN CITY – Sumuko ang isang dating Communist Terrorist Group (CTG) supporter sa nga awtoridad sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.
Kinalala ang indibidwal bilang si alyas “Ben”, 35-anyos, at residente sa bayan ng Alcala sa nabanggit na lalawigan.
Ayon kay alyas “Ben”, nagsimula siyang maging taga-suporta ng makakaliwang grupo noong taong 2018.
Dagdag pa nito, lumalahok rin umano siya sa mga rally, maging sa mga pagpupulong at pag-aaral.
Samantala, matapos ang ilang taong pagsuporta sa grupo ay nagpasya na itong mamuhay ng tahimik at mapayapa.
Facebook Comments