Dating SBMA Chair Martin Diño, inalok na dati ng bagong posisyon – palasyo

Manila, Philippines – Kinumpirma ngayon ng Palasyo ng Malacañang na noon ay mayroong inalok na posisyon kay dating SBMA Chairman Martin Dino.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang posisyong ito ay inalok bago pa ang inilabas na Executive Order number 42 na nagbabago sa liderato ng SBMA na ang epekto ay ang pagsibak kay Diño bilang chairman nito.

Sinabi ni Abella, maituturing na superseded o napatungan na ang inalok na posisyon kay Diño na hindi naman kinumpirma ni Abella kung anong posisyon.


Pero sa ngayon aniya ay walang bagong official appointment ang Office of the Executive Secretary para kay Diño na ngayon ay wala nang posisyon sa pamahalaan.

Ayaw namang magkomento ng Malacañang sa opinyon ng VACC na mga tiwali sa SBMA ang nagpatalsik kay Diño sa posisyon.

Facebook Comments