White mosque sa Marawi City, nabawi na ng militar

Marawi City – Nabawi na ng pwersa ng pamahalaan ang white mosque sa lungsod ng Marawi.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang press conference sa Subic, kasabay ng pagsabi na indikasyon ito na maaring matapos na sa linggo ang labanan.

Sinabi ng kalihim na sa ngayon ay mopping up operations nalang ang ginagawa ng mga tropa.


Dagdag ni Lorenzana na may surrender feelers na rin na ipinadaan ang Maute Group sa House Committee on Muslim Affairs.

Tanging kahilingan lang aniya ng mga terrorista na susuko sila kung makakatiyak ng pamahalaan na hindi sila papatayin.

Dahil ditto, tinitiyak naman ni Lorenza na hindi pinapatay ng pamahalaan ang mga sumusukong miyembro ng Maute Terrorist Group.

Facebook Comments