Manila, Philippines – Nilinaw ni dating SBMA Chairman Martin Diño na hindi siya sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte kundi inilipat lamang sa pwesto na akma sa kanyang kakayahan.
Ayon kay Diño binigyan siya ng pangulo ng pwesto na naaayon sa kanyang kapabilidad bilang dating Barngay Chairman sa QC.
Paliwanag ni Diño walang katutuhanan ang mga napaulat na sinibak siya sa pwesto dahil sa kurapsyon, katunayan sinusunod niya ang lahat ng marching order ng pangulo na walang kurapsyon sa Duterte Administration.
Natutuwa umano siya sa ibinigay ng pangulo sa kanya na bagong posisyon bilang DILG Undersecretary For Brgy. Affairs kung saan gustong gusto niya ang naturang posisyon dahil sa kanyang karanasan bilang dating Brgy Chairman at tiwala rin umano sa kanya ang pangalo dahil binigyan siya ng bagong posisyon.