Dating Secretary Bong Go naniniwalang hindi tutuparin ng Pangulo ang sinabing magdedeklara ng revolutionary government

Pinawi ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang pangamba ng ilang kritiko ng administration at ng ilang sector ng bansa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara siya ng Revolutionary government o revolutionary war at ipaaaresto ang mga kumkontra sa kanya.

Ayon kay Go, duda siyang gagawin talaga ni Pangulong Duterte ang kanyang sinabi dahil naniniwala siya na iginagalang ni Pangulong Duterte ang karapatang pantao ng mga Pilipino.

Pero sinabi ni Go na ibang usapan kung papasok ang issue ng rebelyon dahil tototohanin talaga ng Pangulo ang kanyang mga sinabi.


Binigyang diin din ni Go na sanay naman ang Pangulo sa mga batikos at hindi nito pinapansin ang mga negatibong puna sa kanyang pamamahala kahit noong Mayor pa lamang ito ng Davao City.

Ipinaubaya narin naman ni Go sa Media kung paano iintindihin ang mga sinabi ni Pangulong Duterte pero ang mahalaga lang aniya ay ilabas ng media ang katotohanan na isang mahalagang bagay sa Pangulo.

Facebook Comments