Best-of-three Quarterfinal Series ng PBA Philippine Cup, aarangkada na mamayang hapon

Magsisimula na ang game 1 apat na koponan para sa best of three quarterfinal series ng PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena upang makapasok sa semis.

Unang magsasagupaan ang defending champion na San Miguel Beermen at TNT Katropa sa ala-4:30 ng hapon.

Susundan ito ng Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots sa alas-6:30 ng gabi.


Sa ngayon, nasa top 3 ang Gin Kings na may 7-4 win loss card, pang-apat na pwesto naman ang ka-tropa (7-4), paglima ang beermen (7-4) at pang-anim naman ang hotspots (6-5).

Facebook Comments