Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naisiwalat ng dating Cadre ng CPP-NPA-NDF at dating kalihim ng East Front Committee KR-CV ang mga anomalya at panlilinlang ng mga rebelde na gumising sa kamalayan ng mga dumalong ahensya ng pamahalaan.
Kinabibilangan ng mga dumalo sa ginanap na awareness forum sa bayan ng San Mariano ang ilang mga opisyal at kawani ng DSWD-RO2, DILG Isabela, LGU San Mariano, LGU Benito Soliven, Isabela, NCIP at iba pa.
Ipinaliwanag ni Ms. Ivy Lyn Corpin na dating secretary ng East Front Committee at dating Cadre ng NPA ang tunay na interes ng nasabing grupo at kung paano pasukin ng teroristang grupo ang bawat sangay ng komunidad at pamahalaan na nakaangkla sa kanilang layunin na pabagsakin ang Gobyerno.
Ibinulgar din ni Corpin kung paano nila lasunin ang kaisipan ng indibiduwal sa pamamagitan ng mga isyu sa pamahaalaan at dito ay naisasagawa nila ang tatlong pamamaraaan ng kanilang taktika ang Arouse, Organize, Mobilize (AOM) upang tuluyang maipluwensyahan ang target at magiging bagong kasapi ng rebeldeng grupo.
Kasabay din dito ang pag-aaral ng Batayang Kursong Pangmasa (BKP) at ibat-ibang antas ng pag aaral hanggang sila ay tuluyang sumampa sa kilusan na kung saan sila ay maghahawak na ng armas at magiging sunud-sunuran sa mga di maka-taong gawain gaya ng pagpatay, panununog ng kagamitan, pangingikil at iba pang mga gawain ng mga terorista.
Dagdag pa ni Corpin, lantaran din ang korapsyon sa loob ng kilusan at nakikinabang lamang ang mga may mataas na posisyon.
Nagpapaalala naman ang dating NPA sa mga magulang na bantayan ang mga anak lalo na ang mga kabataan dahil sila ang target na hinihikayat ng mga rebelde sa mga Unibersidad.