Dating Sen. Bong Revilla Jr., Muling Humirit Ng Furlough

16

MANILA – Muling humirit si dating Sen. Bong Revilla Jr. ng furlough sa Sandiganbayan.Ito ay para naman sa nakatakdang operasyon ng kanyang ama na si dating senator Ramon Revilla Sr.Sa kanyang urgent motion na inihain sa Sandiganbayan 1st division, hiniling ni Revilla Jr. na payagan siyang makalabas ng kanyang detention cell sa Philippine National Police sa February 8 ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at February 9 ng alas 2:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.Matatandaang nagrequest na noon si Revilla Jr. ng furlough para madalaw ang kanyang amang may sakit, na pinagbigyan naman ng anti-graft court.Si Revilla Jr. ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam.

Facebook Comments