Dating Sen. Bongbong Marcos, humirit sa Korte Suprema para sa paghahain niya ng ebidensya sa election protest laban kay VP Robredo

1422

Hiniling ng kampo ni Dating Senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na magtakda ng preliminary conference at payagan siyang maghain ng ebidensya sa PET.

Ito ay kaugnay ng kanyang election protest laban kay VP Leni Robredo.


Ang Extremely Urgent Motion ni Marcos sa Korte Suprema na umuupo bilang PET ay kasunod ng pagkakakumpleto sa revision proceedings sa mga pilot provinces kabilang ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Iginiit ni Marcos na Alinsunod sa 2010 Rules of the Presidential Electoral Tribunal, ang pagtatapos ng revision proceedings ay dapat na sundan ng pagtanggap ng ebidensya.

Facebook Comments

From Advertisers