Dating Sen. De Lima, nakabalik na sa kaniyang detention cell sa PNP Custodial Center

Nakabalik nang muli sa kaniyang detention cell si dating Senadora Leila de Lima.

Ito’y matapos siyang manatili ng ilang araw sa Philippine National Police (PNP) General Hospital dahil sa nangyaring hostage taking sa kaniya sa PNP Custodial Center noong Linggo ng umaga.

Ayon kay Police Col. Mark Pespes, Hepe ng Headquarters Support Service, kagabi nakabalik sa kaniyang detention cell si De Lima.


Sinabi pa nito na sa dati niya ring detention cell mananatili ang dating mambabatas.

Paliwanag pa ni Pespes, mayroon na ring clearance mula sa kaniyang doktor ang senadora kaya’t maaari na itong bumalik sa kaniyang selda.

Una nang tinanggihan ng detenidong senadora ang alok na ilipat siya sa dating detention cell ni Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla Jr.

Facebook Comments