Dating Sen. Leila de Lima, nagpasalamat kay PBBM kasunod ng kanyang pansamantalang kalayaan

Nagpasalamat si dating Senadora Leila De Lima sa administrasyong Marcos kasunod ng pagpayag ng korte na siya ay makapagpiyansa.

Sinabi ni De Lima na nagpapasalamat siya kay Pangulong Bongbong Marcos dahil nirespeto aniya nito ang kalayaan ng hudikatura at ang rule of law.

Pinasalamatan din ng dating senadora ang mga naniwala sa kanya lalo na ang kanyang supporters.


300 thousand pesos ang piyansang inilagak ni De Lima sa sala ni Muntinlupa City, Regional Trial Court (RTC) Branch 206 Judge Gener Gito.

Kaugnay ito ng kanyang natitirang kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Napahagulhol din ang dating senadora nang marinig niya ang pagbasa ng desisyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments