Bilang ng Pinoy repatriates na nakauwi ng Pilipinas mula Israel, umaabot na sa 222

Umaabot na sa 222 ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW) na umuwi ng bansa mula Israel.

Ngayong araw na ito ay dumating sa bansa ang ika-pitong batch na binubuo ng 39 repatriates.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), pinaghahandaan din nila ang pag-uwi ng ibang pang Pinoy mula sa Israel.


Nagpapatuloy pa rin kasi ang sagupaan sa pagitan ng Israel at ng Hamas militant group.

Facebook Comments