Dating Sen. Trillanes, guilty sa kasong libel na isinampa ni dating Mayor Junjun Binay sa Makati RTC

479

Napatunayan ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 na guilty si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa kasong libel na isinampa ni dating Makati Mayor Junjun Binay.

May kaugnayan ito sa pagdadawit ni Trillanes kay Binay sa aniya’y “Justice for Sale” issue noong 2015.


Kaugnay nito, pinagmumulta ng Makati court si Trillanes ng 100,000 pesos.

Bukod pa rito ang kalahating milyong pisong moral damages.

May kaugnayan ang kasong isinampa ni Binay sa pahayag noon ni Trillanes na nagbabayad daw ng malaking halaga ang mga Binay kapalit ng paborableng desisyon ng hukuman.

Facebook Comments