Fashion Designer Student sa San Mateo, Aarangkada sa Paggawa ng National Costume ng Africa

15

Cauayan City, Isabela- Muling magpapamalas ng angking talento sa pagdidisenyo ng kasuotan ang fashion designer student mula sa San Mateo, Isabela na si Kennedy Jhon Gasper at kanyang grupo sa International Pageant sa bansang Poland sa darating na Agosto 2021.

Buong-buo naman ang suporta ng lokal na pamahalaan ng San Mateo sa paglahok ng grupo ni Gasper para sa gagawing National Costume ng isang kandidata mula naman sa bansang Africa.


Samantala, kinilala naman ng LGU ang kontribusyon ni Gasper at kanyang grupo sa larangan ng paglikha at pagdidisenyo ng National Costume para sa isang kandidata ng bansang Cameroon matapos itong mairampa sa katatapos na Miss Universe 2020 na idinaos sa Hollywood, Florida, USA.

Sa ganitong paraan, mas lalong maipapakita ang galing ng gawang Pinoy pagdating sa paglikha ng makasaysayang ambag sa larangan ng fashion designing.

Ipinagmamalaki naman ng LGU San Mateo ang malaking karangalan na ibinigay ng grupo ni Gasper sa paglikha ng obra.

Facebook Comments