Nagsumite na ng kanyang counter-affidavit sa DOJ si dating Sen. Antonio Trillanes sa kasong kidnapping na inihain ng isang Guillermina Barrido alyas Guillermina Arcillas mula sa Davao Del Norte.
Personal na nagtungo si Trillanes sa DOJ para panumpaan sa harap ng piskalya ang kanyang kanyang kontra-salaysay.
Halos magkasunod na dumating sa DOJ ang tumatayong complainant na si Barrido kasama ang kanyang abogado na si Atty. Larry Gadon gayundin si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.
Hindi nagkita ang magkabilang kampo dahil dumating si Trillanes habang nakasalang sa ambush interview ng media sina Barrido at Advincula.
Sina Trillanes kasama sina Father Albert Alejo, Atty. Jude Sabio at isang Sister Ling ng Convent of Cannusisian Sisters sa Makati City at inirereklamo nina Barrido ng kidnapping at serious illegal detention.
Noong 2017 nang ibunyag ni Barrido na inalok daw siya ng kampo ni Trillanes ng isang milyong piso kapalit ng pagtestigo at pagsangkot kay Pangulong Duterte sa iligal na droga.