Dating Senador Bongbong Marcos, bumisita sa mga naapektuhan ng lindol sa Leyte

Manila, Philippines – Bumisita si dating Senador Bongbong Marcos sa Leyte para alamin ang sitwasyon sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 6.5 na lindol.

Kasama si Ormoc City Mayor Richard Gomez at asawa nito na si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez, nilibot nila ang mga kabahayang nawasak.

Ayon kay Marcos, sa kabila ng dinanas na kalamidad, makikita sa mga residente ang pag-asang muling makabangon.


Sinabi ni Gomez, nakatuon na ngayon ang lokal na pamahalaan sa paglilipat sa mga residenteng nakatira malapit sa mga bundok.

Kumpiyansa ang alkalde na anumang dagok ng kalikasan, muli’t-muli silang babangon sa tulong ng bayanihan.

Bago ang lindol, matatandaang pinadapa ng bagyong Yolanda ang Leyte noong 2013.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments