Mga opisyal ng ARMM at mga residente ng Marawi City, suportado ang Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Suportado ng mga opisyal ng ARMM maging ng mga residente ng Marawi City ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Joint Task Group Ranao Commander, Brig/Gen. Ramiro Manuel Rey, malaki ang tulong ng Martial Law sa Mindanao sa paglansag sa mga teroristang grupo

Para naman kay Provincial Crisis Management Committee Spokesperson Zia Alonto Adiong – patunay lamang na ang pag-apruba ng Korte Suprema sa batas militar ay gumagana ang konstitusyon sa bansa.


Buo ang tiwala ng militar at ng sibilyan na sa tulong batas militar ay mas mapapadali ang pagpapanumbalik ng kapayapaan at muling pagbangon ng Marawi.

Facebook Comments