Dating Senador Bongbong Marcos, inanunsyo ang paglahok sa 2022 presidential race

Pormal nang inanunsyo ni dating Senador Bongbong Marcos ang kaniyang intensyong tumakbong presidente sa 2022 elections.

Ginawa ni Marcos ang deklarasyon matapos siyang manumpa at lumipat ng partido mula sa Nacionalista Party patungong Partido Federal ng Pilipinas sa kaniyang headquarters sa Guadalupe, Makati.

Sa kaniyang talumpati, nangako si BBM ng isang liderato na magbabalik sa mapagkaisang paglilingkod sa Pilipinas para harapin ang pandemya at muling ibangon ang ekonomiya.


Hindi naman binanggit ni Marcos kung sino ang kaniyang magiging bise presidente.

Noong 2016, natalo si Marcos sa vice presidential race kay VP Leni Robredo.

Naghain siya ng petisyon sa Supreme Court na tumatayong presidential electoral tribunal pero, ito ay naibasura.

Facebook Comments