138 NA INDIBIDWAL, NAGHAIN NG COC PARA SA 2022 ELECTIONS SA PANGASINAN

Umabot na sa 138 na aspiring individual ang naghain ng kanilang kandidatura para sa Halalan 2022 sa Pangasinan.

Base sa pinakahuling listahan kahapon, ika-4 ng Oktubre, 106 dito ang tatakbo sa pagka konsehal, 13 sa mayor, 10 sa pagka vice mayor,anim sa board members at tatlo sa pagka congressman.

Ang mga ito ay mula sa bayan ng Alcala, Asingan, Binalonan, Binmaley, San Jacinto, Calasiao, Dasol, Labrador, Malasiqui, Mabini, Mapandan, Sison , Sto. Tomas, Sual, Tayug, Villasis, Dagupan City, San Carlos at Urdaneta.


Samantala, inaasahan na dadagsa ang mga magfifile ng kanilang coc sa huling tatlong araw ng deadline ayon sa COMELEC.

Facebook Comments