Manila, Philippines – Nilinaw ni dating Senador Bongbong Marcos Jr. na wala siyang karapatan para magbigay ng legal advice sa kaniyang kapatid na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos. Ito ay kaugnay sa una nang napabalitang pinipigilan ng dating senador ang kapatid nito na dumalo sa pagdinig ng kamara sa umano’y misuse ng tobacco funds.
Ayon kay Bongbong Marcos, usapang kapatid lamang ang naganap sa pagitan nila ni Aimee kung saan pinayuhan nito ang kapatid na pagisipang mabuti ang mga sasabihin at aksyon.
Hindi aniya ito maikukunsederang usapan sa pagitan ng isang legal counsel at kaniyang kliyente, dahil hindi naman siya abugado kaya’t hindi niya maintindihan kung bakit itinuturing ito bilang contempt ng kamara.
Matatandaang, noong Hunyo 23, nadawit ang pangalan ng dating senador makaraang sabihin ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na mayroong mga pumipigil sa kaniyang dumalo sa kamara para sa tobacco probe.
Dating Senador Bongbong Marcos, nilinaw na usapang kapatid lamang ang naganap pagitan nila ni Imee Marcos nang payuhan nitong pag-isipan mabuti ang aksyon nito hinggil sa gagawing pagdinig ng kamara
Facebook Comments