Dating Senador Jinggoy Estrada, humiling ng two-day medical furlough sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Humiling sa Sandiganbayan fifth division ng medical furlough para sumailalim sa video colonoscopy si dating Sen. Jinggoy Estrada.

Sa kanyang apat na pahinang mosyon, humiling ng dalawang araw na furlough si Estrada para sumailalim sa naturang medical procedure sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ayon kay Estrada, inabisuhan siya ng kanyang doctor na kailangan niyang sumailalim sa video colonoscopy dahil sa nakitang elevated blood tests.


Ang video colonoscopy ay isang medical procedure kung saan gagamit ng isang camera na ipapasok sa anus ng isang tao para masuri ang kanyang colon, rectum, at small intestine.

Aniya, tatagal lamang ng tatlumpung minuto hanggang isang oras ang nasabing procedure pero ang preparasyon dito ay aabutin ng isang araw.

Sakaling pagbigyan ng korte, sinabi ni Estrada na handa niyang bayaran ang lahat ng gagastusin sa furlough at sasamahan siya ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Facebook Comments