Dating senador na si Bong Revilla, bigong makadalo sa kanyang itinakdang paglilitis sa Sandiganbayan kaugnay sa kasong plunder

61

Manila, Philippines – Bigong makadalo ang dating senador na si Bong Revilla sa kanyang itinakdang paglilitis sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa kasong plunder.

Ito’y dahil isinugod si Revilla sa St.Luke’s Medical Center bunsod ng kanyang hypertension.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Reody Balisi – na confine ang dating mambabatas noong martes, june 20, petsa ng ipinagkaloob sa kanyangfurlough.
Pahayag naman ni Atty. Ramon Esguerra, isa rin sa abogado ni Revilla, maaari nang makalabos ngayon ng ospital ang dating senador.


Ikinataka naman ng mahistrado ng Sandiganbayan kung bakit hindi nakarating.

Facebook Comments