Tatlumpung katao, patay sa pagsabog ng isang car bomb sa Southern Afghanistan

88

World – Tatlumpung katao ang patay matapos sumabog ang isang “car bomb” sa labas ng isang bangko sa Helmand, Southern Afghanistan.
Ayon kay Omar Zwak, spokesman ng Helmand Province, bukod sa nasawi nasa 60 katao din ang sugatan kabilang na dito ang mga sibilyan at mga pulis na kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Sa imbestigasoyn ng mga pulis, na detonate ang bomba sa may gate ng New Kabul Bank branch sa Lashkar Gah.
Wala pa namang umaako sa nasabing pagsabog, ngunit nadadawit naman ang taliban at Islamic state, dahil sa pagsasawa ng mga ito ng mga pagbsabog noong mga nakaraang buwan.

Facebook Comments