Dating Senador Nene Pimentel, pumanaw na

116

Pumanaw na sa edad na 85 si dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Kinumpirma mismo ito ng kanyang anak na si Senador Koko Pimentel sa facebook post.


Aniya, alas 5:00 kaninang umaga nang pumanaw ang kanyang ama.
Sa panayam naman ng RMN DZXL 558, sinabi ni Commission on Human Rights Commissioner Gwen Pimentel-Gana na isinugod sa ospital ang kanilang ama noong nakaraang linggo matapos na hindi makahinga.

Nakikipagsapalaran kasi aniya sa sakit na cancer si Tatay Nene at nagkaroon ng Pneumonia.

Nanilbihan bilang Senador ng bansa si Pimentel mula 1987 hanggang 1992 at mula 1998 hanggang 2010.

Siya ang founder ng Partido Demokratiko Pilipino at tinaguriang “Father of the Local Government Code”.

Facebook Comments

From Advertisers