Lolo, Nalunod Patay!

170

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lolo matapos itong malunod sa ilog sa bahagi ng Brgy. Diarao, Jones, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Loenardo Ballesteros, 69 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Diarao, Jones, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa punong barangay ng Diarao na may nalunod sa kanilang lugar na agad namang kinumpirma ng pulisya.

Ayon sa pamilya ng biktima, nakainom umano ng alak ang biktima nang magtungo sa ilog upang mangisda subalit aksidente umano itong nadulas sa bato at nahulog sa ilog.

Sa paghahanap naman ng asawa ng biktima kasama ang mga kapitbahay ay natagpuan ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilog sa may bahagi na ng Brgy 1, Jones, Isabela.

Dinala naman sa isang ospital ang bangkay ng biktima para sa post mortem examination.

Facebook Comments

From Advertisers