Dating Senate President Juan Ponce Enrile, Muling Tatakbo sa Pagka-Senador sa Susunod na Halalan!

*CAGAYAN-* Kinumpirma ni dating senate president Juan Ponce Enrile na muling tatakbo sa pagka-senador sa susunod na halalan na kahit nasa siyamnapu’t apat na taong gulang na ito.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Juan Ponce Enrile, inihayag nito na kahit may edad na ito ay handa pa rin umano itong maglingkod sa bayan.

Aniya, mahigit limampung taon na umano itong nanilbihan sa taongbayan at kanyang ipinunto na mas mainam na lamang umano na iboto ang mga taong subok na at matagal ng naninilbihan.


Kaugnay nito ay nakapag-file na kahapon si Enrile ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang independent Senator para sa eleksyon 2019.

Facebook Comments