Lolo sa Luna, Isabela, Sugatan Matapos Bungguin ng Kasalubong na Motorsiklo!

*Luna, Isabela- *Sugatan ang isang magsasaka matapos mabangga ng kasalubong na motorsiklo sa brgy San Miguel, Luna, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Salvador Bumalud, 64 anyos habang ang suspek ay kinilalang si Ronald Guntayon, trentay dos anyos pawang mga magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, magkasalungat umano na binabaybay nina Bumalud lulan ang kanyang bisekleta at Guntayon ang kahabaan ng nasabing barangay nang bigla umanong lumihis sa daan si Bumalud kaya’t nabangga ito ng kasalubong na motorsiklo ni Guntayon.


Nagtamo ng sugat sa katawan ang suspek na isinugod sa isang pagamutan para sa kanyang karampatang lunas.

Dinala na sa PNP Luna ang suspek maging ang dalawang behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments