Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si dating Sen. Jinggoy Estrada na makalabas sa PNP Custodial Center para makapagpagamot sa Cardinal Santos Medical Center.
Sasa ilalim si Estrada sa x-ray at MRI dahil sa iniinda nitong “extreme pain” sa kanyang kanang balikat.
Si Estrada ay dadalhin sa Cardinal Santos, bukas May 18, mula alas dose ng tanghali hanggang alas-sais ng gabi o hanggang sa matapos ang procedure.
Inatasan ng korte ang PNP na bigyan ng kaukulang seguridad si Estrada sa pagpunta sa pagamutan hanggang sa makabalik ito sa kulungan.
Ilan sa mga kundisyon ng korte ang pagbabawal ng paggamit ng anumang communications devices at media interviews.
Sagot naman ng dating senador ang gastos sa paglabas pansamantala sa kulungan.
DZXL558