Manila, Philippines – No show sa unang araw ng pagdinig sa kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan 1st Division si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.
Ayon kay Atty. Rean Balisi, abogado ni Revilla, naka-confined sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig ang kanyang kliyente dahil sa hypertension.
Sumama umano ang pakiramdam ni Revilla habang dinadalaw nito ang kanyang ama.
Pinayuhan ng doktor ang dating senador na sumailalim sa mga test kaya ito ikinonfine muna.
Dahil dito sinita ng mga mahistrado ang mga abogado ng dating senador dahil hindi sila naabisuhan kaugnay sa kalagayang pangkalusugan nito.
Sa kabila na wala ang dating senador, ipinagpatuloy pa rin ang pagdinig sa kaso ni Revilla na may kaugnayan sa pork barrel scam.
Facebook Comments