Manila, Philippines – No show si dating Senator Ramon Revilla Jr. sa plunder trial nito sa Sandiganbayan.
Kasunod nito ay kinansela rin ang trial dahil sa hindi pa natapos ng pagmamarka sa mga ebidensya.
Humiling ang proseksyon na kumpletuhin ang pre-markings of evidences, kaya nagtakda ang korte ng pre-trial conference para rito.
Ito ay gagawin sa April 21, 27, 28 at May 08.
Isu-subpoena rin ang mga akusado para sa May 25, 2PM, para lagdaan ang pre-trial order.
Itinakda naman ng Sandiganbayan sa June 01 ang trial.
Limang beses nang ipinagpaliban ng anti-graft court ang plunder trial ni Revilla, dahil sa kaparehong rason.
Facebook Comments