Dating Senator Revilla, pinayagang makalabas ng kulungan para magpasuri ng ngipin

Manila, Philippines – Pinahintulutan ng Sandiganbayan First Division si dating Senator Bong Revilla Jr., na lumabas ng kulungan para ipasuri ang kanyang ngipin.

Si Revilla ay pinayagang makalabas ng PNP Custodial Center bukas mula alas-2 hanggang 5 ng hapon.

Dadalhin ang dating senador sa Gan Advanced Osseo Integration Center o GAOC sa Greenbelt Center, Arnaiz Ave., Makati City.


Iginiit ng korte na bawal gumamit si Revilla ng anumang communication at electronic gadgets at bawal din siyang makapanayam ng media.

Noong Marso 23 ay sumailalim si Revilla sa 2nd stage implant surgery, post operation check-up, implant impression, trial implant coping, trial unglazed at permanent installation.

Facebook Comments