Dating Senior Associate Justice Antonio Carpio, pinayuhan si VP Leni na huwag tanggapin ang alok na maging Co-Chairperson ng ICAD

Pinyuhan ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si Vice President Leni Robredo na huwag tanggapin ang alok na maging Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Carpio, binuo ang ICAD para ipatupad ang programa ng gobyerno sa war on drugs gaya ng ‘Oplan Tokhang,’ at ‘Oplan Double Barrel.’

Kung magiging Co-Chairperson si Robredo, magiging ‘hands tied’ siya sa pagpapatupad ng mga ito, na napatunayang hindi epektibo.


Facebook Comments