Raffy Tulfo, inimbitahan ang Barretto sisters sa kanyang programa

2626
Photo: Screenshot via YouTube/Raffy Tulfo in Action

Inanyayahan ng broadcaster na si Rafael “Raffy” Tulfo sina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto sa programang “Wanted sa Radyo” upang maayos ang alitan ng magkakapatid.

Naging usap-usapan ang hidwaan sa pagitan ng tatlo matapos ang kaguluhang nangyari sa burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto.


Kasunod nito, nagpatuloy ang kanilang away sa social media–dahilan para magkalat ang biruan ng netizens na dapat lumapit kay Tulfo ang magkakapatid.

Sa radyo nitong Oktubre 23, nagbigay na ng reaksyon si Tulfo tungkol sa isyu at sinabing “welcome na welcome” ang mga Barretto sa kanyang programa.

Unang nabanggit ng broadcaster na natural lamang ang “sibling rivalry” at nangyayari ang pag-aaway sa maraming magkakapatid.

Ipinunto niya rin na hindi magiging madali ang pagresolba ng alitan ng tatlo gayong marami nang sumubok pagbatiin ang magkakapatid pero aniya, “hindi naging successful dahil malalim ‘yung pinag-ugatan ng problema.”

Gayunpaman, bukas umano sa mga Barretto ang kanyang programa para paglabasan ng sama ng loob, pero pagkatapos ng usapan, hiniling ni Tulfo na magbati na ang magkakapatid lalo na’t nalalapit na ang Pasko.




Facebook Comments