Dating sundalo na napatay sa checkpoint sa QC, inilibing na

Inilibing na sa libingan ng mga bayani si Retired Army Corporal Winston Ragos.

Si ragos ay ang sundalong napatay ng mga pulis sa isang checkpoint sa Quezon City noong April 21 sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Binigyan si ragos ng 21-gun salute ng Philippine Army.


Samantala, ipinag-utos ni Philippine Army Commanding General Lieutenant General Gilbert gapay ang pagsusuri sa mental health ng mga sundalo kasunod ng pagkamatay ni Ragos na napag-alamang nagkaroon ng post-traumatic stress disorder at schizophrenia matapos sumabak sa giyera sa Marawi.

Ayon kay Army Public Affairs Office Chief Colonel Ramon Zagala, nais ng commanding general na hanapin ang mga katupad ni Ragos para sila ay matulungan.

Pinapa-review din aniya ni gapay ang trauma risk management ng organisasyon.

Facebook Comments