Halos 13K sundalo, idineploy ng Philippine Army sa gitna ng ECQ

Halos 13,000 sundalo ang ipinakalat ng Philippine Army sa buong bansa.

Ito ay para tulungan ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay Army Public Affairs Office Chief Colonel Ramon Zagala, ilan sa dagdag na tropa ay idineploy sa makati, Taguig at Pateros matapos na hilingin ng mga Local Government Units (LGU).


Magbabantay ang mga sundalo hanggang sa katapusan ng ECQ sa May 15.

Facebook Comments