Dating Sundalo, Nasamsaman ng Milyong Piso na Halaga ng Shabu

Cauayan City, Isabela- Timbog ang dating sundalo sa pag-iingat ng milyong pisong halaga ng iligal na droga matapos itong masakote ng mga awtoridad bandang 3:30 kaninang madaling araw sa Brgy. Maddarulug, Solana, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Ricardo Cabalza, 48-anyos, may-asawa, isang negosyante at residente ng Brgy. San Gabriel, Tuguegarao City.

Batay sa imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO2), nakatanggap ang mga alagad ng batas ng impormasyon na may ibibiyaheng iligal na droga sakay ng isang pribadong sasakyan (Suzuki Gray Swift) patungo sa Cagayan mula sa Metro Manila.


Agad na naglatag ng checkpoint upang hintayin ang pagdaan ng nasabing sasakyan at ilang saglit pa ng inspeksyunin ng PDEA K9 Unit at positibo na may sala-dala itong ng droga.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) nakatali na droga sa isang plastic bag na pinaniniwalaang shabu at tumitimbang ng 63.2865 o katumbas ng mahigit kumulang sa kalahating milyon (₱ 430,348.20).

Kinumpiska rin ang isang pitaka na naglalaman ng iba’t ibang bank cards, cellphone maging ang sasakyan na ginamit nito para ibiyahe ang iligal na droga.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs) ng Article II ng RA 9165 habang nananatili ang suspek sa kustodiya ng PDEA Region 2.

Facebook Comments