Dating Supreme court Justice Dante Tinga, itinalagang Chairman ng DBP

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating Supreme Court Justice Dante Tinga bilang chairman ng Development Bank of the Philippines o DBP.

Ito ang kinumpirma ni Office of the Press Sec. OIC Usec. Cheloy Garafil.

Ayon kay Garafil, nanumpa na sa tungkuling kahapon sa Malacañang si Tinga sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.


Si Tinga ay naging associate justice ng kataas-taasahang hukuman mula 2003 hanggang 2009.

Facebook Comments