Dating Supreme Court Justice Priscilla Baltazar- Padilla, pumanaw na

79

Pumanaw na si dating Supreme Court (SC) Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla sa edad na 63.

Nagsilbi si Baltazar-Padilla ng dalawang dekada sa hudikatura at hinirang bilang ika-188 na Associate Justice ng bansa noong 2020.

Hindi naman inihayag ng SC ang sanhi ng pagkamatay ng dating Associate Justice.


Nagturo naman si Baltazar-Padilla sa ilang unibersidad kabilang na ang Lyceum of the Philippines, New Era University, Universidad de Manila, at University of the East (UE).

Naging lecturer din ito ng Mandatory Continuing Legal Education at miyembro ng faculty ng Philippine Judicial Academy (PHILJA).

Facebook Comments