Dating tagapagsalita ng DFA, itinalaga ni PBBM bilang ambassador sa Oman

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Department of Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez bilang bagong ambassador sa Oman.

Nilagdaan ng pangulo ang appointment ni Hernandez nitong May 12.

Si Hernandez ay nagsilbi na rin bilang Philippine Ambassador to Turkey na may hurisdiksiyon sa Georgia at Republic of Azerbaijan, habang naging ambassador din ito sa South Korea.


Si Hernandez ay nagsilbi bilang Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman sa panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Henry Bensurto Jr., bilang bago namang Ambassador to Turkey kapalit ni Hernandez.

Maliban sa dating assistant secretary ng Office of the Consular Affairs, nagsilbi ring assistant secretary ng West Philippine Sea Center ng DFA at naging secretary-general ng Commission on Maritime and Ocean Affairs Secretariat.

Facebook Comments