LTFRB, tiniyak na parurusahan ang motorcycle taxi na labis na naniningil ng pamasahe

Iimbestigahan na ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) ang napaulat na labis na paniningil ng pamasahe, partikular sa mga pasahero ng mga motorcycle taxi.

Makikipag-ugnayan na ang LTFRB sa Motorcycle Taxi – Technical Working Group para tutukan at imbestigahan ang isyu ng overcharging.

Tiniyak ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, hindi nito kukunsintihin ang anumang paglabag tulad ng sobrang pagsingil ng pamasahe sa transport system


Nariyan aniya ang fare matrix na ginawa upang matiyak na patas ang mga pamasahe na sinisingil ng lahat ng mga operator ng pampublikong sasakyan mula sa mga commuter.

Facebook Comments