Dating teen actress, arestado sa buy-bust operation sa Cavite

796

Nadakip ang dating artista na si Angela Zamora o Angela Garcia Bobis sa totoong buhay, sa isang buy-bust operation sa Bacoor, Cavite.

Kabilang sa mga nahuli ng Bacoor City Police Station (CSP) ang live-in partner ni Bobis na si Vladymir Bersana sa ikinasang buy-bust operation nakaraang Huwebes, Hulyo 11, sa Barangay Mambog 4.


Arestado rin ang tatlo pang kinilalang sina Jovencio Isler, Christian Lawrence Macanlalay at Floro Colina Lopez.

Ayon sa Bacoor CPS, nasabat ang 10.08 gramo ng shabu na nagkakahalagang P68,544 mula sa mga suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip, na kasalukuyang nakapiit sa Bacoor City Detention Center.

Si Angel ay miyembro ng ABS-CBN Star Circle Batch 5 na ipinakilala noong 1997.

Ilan sa mga pelikulang kinabilangan ni Angela ay ang “Gangland”, 1998, “Ang Lahat ng Ito ay Para Sa’yo”, 1998, at “Nagbibinata”, 1998.

Facebook Comments

From Advertisers