Kris Aquino, sinagot ang basher na sinabing mag-retire at underdog siya sa MMFF

445
File photo

Sinagot ng Queen-of-all-Media Kris Aquino ang isang netizen na nagsabing mag-retire at underdog siya iba pang kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) tulad nila Vice Ganda at Anne Curtis, Maine Mendoza at Vic Sotto.

Ayon sa isang netizen na nagkomento, “Mag-retire ka na, I don’t think you can beat Vice Ganda, Anne Curtis, Vic Sotto, Maine Mendoza this year, so save your horror career.”


View this post on Instagram

please watch the whole video because HUMIRIT pa po ako 😘… not wanting to give atty joji of Quantum Films, @visionerickson and @jeffvadillo of @cornerstone heart attacks, and with much gratitude to the MMFF 2019 executive committee and those who selected (K)Ampon to be among the 1st 4 chosen entries, mag o-obey po ako sa mga doctors ko. may checklist sila regarding my health & kung magbibigay sila ng medical clearance for me to shoot a horror. i’ve accepted na may physical limitations na talaga ‘ko… humility has taught me other actresses can credibly play my role. Kaya po kayo ang tatanungin ko (since kayo naman ang manunuod)- should i make my return via this horror movie or give way now para makahanap na ng other actress to take my place? Nagtanong ako, so hindi mapipikon sa kung ano man ang sagot. 😇

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Sinagot naman ito ni Kris na,”I also know there’s no way to beat or even equal to them. Nakaapak naman sa lupa ang paa ko. Pero hindi masama ang hangarin na mabawi ang puhunan at gumawa ng movie na may ‘tapang’ ang kwento.”

“Paula, clearly underdog ako, I have had no regular free TV exposure for almost 4 years, unlike bossing, Maine, Anne and Vice so hindi ganun kataas ang expectations, in essence less pressure. I saw the movie budget, feasible siya from a business perspective,” dagdag ni Kris.

Inamin naman ni Kris na hindi niya inaasahan na mapipili ang kaniyang script ng pelikula dahil may entry din na horror movie si Robin Padilla na ang direktor ay si Paul Soriano.

“Why would a festival under MMDA choose a movie starring Kris Aquino, right? Alam na alam kong hindi namin panahon ngayon but maybe Senator Bong Go, who is the executive committee, is really a man who plays FAIR and looks beyond politics,” aniya.

“Direchong sagot ha, kung wala siya sa committee it would be easier for me to decide. But a door was opened for me after so many had been shut. Kaya napaisip na pwede pa rin pala to go beyond our perceptions and have faith,” paliwanag ni Kris.

Ipinahayag din ni Kris ang update tungkol sa kaniyang kalusugan bago sumabak muli sa acting. Mayroon din siyang checklist upang makumpleto ang medical clearance upang mag-shoot ulit ng horror.

“Humility has taught me other actresses can credibly play my role… should I make return via this horror movie or give way now para makahanap na ng other actress to take my place? Nagtanong ako so hindi ako mapipikon sa kung ano man ang sagot,” pahayag ni Kris.

Facebook Comments

From Advertisers