Dating Tokhang Reponders sa Jones Isabela, Nasamsaman Ulit ng Droga!

29

Jones, Isabela – Timbog sa kapulisan ang dating tokhang responders matapos na masita ng paninigarilyo sa pampublikong lugar kahapon sa bayan ng Jones Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Rex Pascua, ang hepe ng Jones Police Station na kinilala ang suspek na si Garry Gabarda, tatlumput limang taong gulang, walang asawa at residente ng Barangay San Isidro, Jones Isabela.

Sinabi pa ng hepe na habang nagsasagawa ng Regular Anti-Criminality Operation ang ilang kapulisan sa palengke ng Jones ay sinita si Gabarda dahil sa paninigarilyo nito sa publiko.

At dahil sa kakaiba ang kilos ni Gabarda ay mas inimbestigahan ng pulis ngunit tumakbo ang suspek.

Ganunpaman ay nasakote ang suspek at nakuha sa kaha ng sigarilyo nito ang isang pakete ng shabu.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act laban kay Garry Gabarda.

Samantala ipinaliwanag pa ni Police Chief Inspector Pascua na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa bayan ng Jones lalo na sa pampublikong lugar.

Facebook Comments